Kipp
Loko talaga ‘yon si Brad. Iwanan ba naman sa’kin ang dragon niyang apo? Sa isip-isip ko habang naghihintay sa lobby.
Ano bang gusto niyang mangyari? I-train ko? Ano ’ko? Si Hiccup?
Pasimple akong tumingin kay dragon—ay, este, kay Jiro na kasalukuyang nakatayo malapit sa entrance at may kausap sa cellphone. Katatapos lang naming mag-checkout at naghihintay sa sasakyang maghahatid sa amin papunta sa pantalan.
Base sa ekspresyon sa mukha niya, halatang-halata na hindi siya sang-ayon sa plano ni Brad. In fact, inaasahan ko na ang napakahabang rason niya kung bakit hindi dapat kami magsama sa bakasyong ito.
Mm.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-text.

Ilang sandali ang lumipas bago ko natanggap ang reply niyang voice message.
“Tamad talaga siya mag-text,” natatawang sabi ko sa sarili bago pinindot ang play button at inilapit ang cellphone sa tenga.
“Kaya mo na ‘yan.”
I pressed the record button and asked, “Paano kung bugahan ako ng apoy?”
Ilang sandali lang, dumating ang reply niya.
“Bugahan mo rin kung matapang ka,” biro niya.
Napahagikhik ako ng tawa dahilan para mapaling ang atensyon sa akin ni Jiro. Agad kong inayos ang mukha ko at tumingin sa ibang direksyon.
Bago pa ako makapagreply kay Brad, muli akong nakatanggap ng voice message.
“Pero mag-iingat ka. Black belter ‘yang apo ko.”
Napataas ang kilay ko.
Black belter?
Biglang pumasok sa isip ko ang isang napaka-specific na image ni Jiro na naka-taekwondo uniform. Seryoso. Pawisan. Nakatingin sa’kin na parang gusto akong sipain papunta sa kabilang mundo.
Damn.
Ang hot.
Akmang magta-type ako ng reply nang biglang sumulpot si Jiro sa harapan ko. Agad kong isinuksok ang cellphone sa bulsa at umayos ng tayo.
“What?”
Binuklat niya ang itinery na iniwan ni Brad at bumuntong hininga. “Look, I want to get this done as soon as possible. One week max.”
Tumango ako. “Pwede naman. Papakabitan natin ng pakpak ang camper van.”
Sumimangot siya sa’kin. “I’m serious, Kipp.”
“I’m serious too.” Tinuro ko ang mga lugar sa mapa. “Alam mo ba kung gaano kalalayo ang mga ‘yan? Hindi ‘yan kaya ng isang linggo, brodie.”
Umikot ang mata niya. “Eh di sasakay tayo ng eroplano. Duh.”
Napangiwi ako. “Ngi. Paano na si Van Diesel?”
He frowned. “Van Diesel?”
“Yung camper van.”
Huminga siya ng malalim na parang humuhugot ng pasensya. “I’ll have someone drive it home. Simple.”
Umiling ako. “Hindi pwede. Bilin ni Brad na kailangan ako ang mag-uwi sa kaniya sa Manila.”
Muling umikot ang mata niya.
“Madali lang ‘yon,” depensa niya. “Eh di sa ibang lugar ko ipapa-park ang sasakyan pagdating sa Manila. Then you can just pick it up from there and drive it back to Lolo.”
Nag-thumbs up ako sa kaniya. “Wow. That’s cheating.”
“It’s called being efficient,” depensa niya.
“Efficient? Bakasyon ’to, brodie. Hindi business transaction,” rebat ko.
“Then stop making it harder than it needs to be,” he snapped.
Napangisi ako.
“Too bad.”
“Why?”
“Mas gusto ko by land ang travel. Boring mag-eroplano.”
Napatitig siya sa’kin. “Seriously?”
I nodded. “Very.”
“Why?”
I shrugged. “Dahil mas marami kang makikita sa daan.”
Nagpamewang siya. “Like what? Sige nga.”
“Mga bundok. Dagat. Mga kalabaw sa gilid ng highway. Mga kamote rider. White lady.”
Umiling siya. “You’re impossible.”
Ngumiti ako. “Thank you.”
“That wasn’t a compliment,” giit niya.
“I’ll take it anyway,” sagot ko.
Akmang may sasabihin siya nang sabay kaming napalingon sa tunog ng notification.
Napakunot noo ako at agad na kinuha ang cellphone sa bulsa. Kasabay ko ring inilabas ni Jiro ang sa kaniya. Pagtingin ko, nakita ko ang isang bagong group chat kung saan kami naka-add ni Jiro.
“Group chat?” singhap ni Jiro.
Napakurap ako. “JiKipp?”
Hindi ko na napigilan ang humagalpak sa tawa.

Pinindot ko ang play button at pinakinggan ang voice message niya.
“Hello guys!” masiglang bati ni Brad.“Nagpaturo na ako gumawa ng group chat para dito kayo magsend ng pictures ninyong dalawa. Ayos ba?” Natawa siya, halatang proud sa sariling kalokohan. “Mag-update kayo parati, okay? At higit sa lahat, huwag niyong iiwan ang isa’t-isa.”
Napangisi ako at umirap naman sa’kin si Jiro.
“Mag-ingat kayo sa daan. Enjoy the trip. At kung mag-away kayo, huwag kayong tatawag sa’kin. Hindi ako referee. Bye!”
“I can’t believe him,” sambit ni Jiro at napasapo sa noo.
Isinuksok ko muli ang cellphone sa bulsa. “Paano ba ‘yan, brodie? G ka na?”
Kunot-noo siyang humarap sa’kin. “Aabutin tayo ng siyam-siyam kung magmamaneho tayo papunta sa mga lugar na ‘to,” pahayag niya. “And I don’t want to get stuck with you for weeks.”
“Bakit? Natatakot ka ba sa feelings mo?” banat ko.
Nalaglag ang panga niya. “Oo. Baka kasi mapatay kita sa daan.”
“Naks. Crime of Passion ba tawag do’n?” I asked, smirking.
“No. Crime of necessity,” he snapped.
I laughed. “Whatever. Magmamaneho ako papunta doon. Mag-eroplano ka kung gusto mo.”
Natahimik siya saglit pero nanatiling nakamasid sa’kin na tila tinitimbang ang sinabi ko. Akmang magsasalita siya nang matanaw ko ang pagdating ng sasakyan sa labas.
“Ay, nandito na pala ang maghahatid sa’tin! Tara na,” sabi ko sabay kinuha ang bag at nagsimulang maglakad papunta sa pinto.
Pasimple akong sumulyap sa kaniya at nakita siyang sumunod sa akin papalabas.




Jiro
Makalipas ang halos kalahating oras na biyahe pabalik sa Caticlan, sinundo kami ng panibagong sasakyan para ihatid sa lugar kung saan nakaparada ang camper van na ginamit nina lolo at Kipp papunta rito. Hanggang sa makababa kami, hindi pa rin ako makapagdesisyon kung itutuloy ko ba ang pagsama sa kaniya.
I knew backing out was no longer an option for me, not when my own grandfather literally threatened to put himself in a nursing home.
So, either I travel with Kipp or book a flight to our next destination and wait for him there.
The latter sounded considerably more appealing. But knowing this bastard, I have no doubt na isusumbong niya ako kay Lolo, complete with photographic evidence of my alleged abandonment.
“Salamat, boss! Ingat!” narinig kong sabi niya sa driver at tumango ang lalaki sa amin bago muling pinaandar ang sasakyan.
“Let’s go,” aya niya at wala man lang kaabog-abog na naglakad papalayo.
Nang mapansin niyang hindi ako sumunod, agad siyang lumingon sa’kin. “Ano na?”
I crossed my arms. “Wala pa akong sinasabing sasama ako sa’yo.”
“Kaya nga. Tingnan mo muna ‘yung sasakyan bago ka magdesisyon,” sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad.
Napabuntong-hininga ako at sumunod.
Okay. Let’s see kung bakit mas pinili ni Lolo na mamasyal gamit ang camper van imbes na sumakay na lang ng eroplano.
Sinalubong kami ng isang lalaki pagdating sa parking area. Binati siya ni Kipp na parang matagal na silang magkakilala, nakipagkamay, at may pinirmahan saglit sa logbook bago nagpaalam.
“Salamat ulit, pre!”
Pagkatapos, sumenyas si Kipp sa akin na sumunod.
Naglakad kami papunta sa likurang bahagi ng gusali, kung saan nakahilera ang ilang mgs sasakyan.
At doon ko nakita ang camper van.
Agad kong nakilala kung alin doon ang sa amin dahil bukod sa mas malaki ito kaysa sa karamihan ng mga sasakyang nakaparada, kapansin-pansin din ang modernong disenyo nito.
Hindi ko alam kung anong nakita ni Kipp sa mukha ko dahil nagtaas baba ang kilay niya habang abot tenga ang ngiti. “Mas mai-impressed ka ‘pag nakita mo ang loob.”
I immediately schooled my expression.
“Who says I’m impressed?”
“Sus. Kunwari pa,” amused niyang sabi, halatang aliw na aliw. “Tara na. Ipapakilala kita kay Van Diesel.”
Napailing ako. Hindi ko na kailangan pang itanong kung sinong nakaisip ng pangalan na ‘yon.

<aside> 📌
</aside>
https://tofubear17.github.io/comments-wrapper/?id=chapter-10