Kipp

IMG_3797.JPG

IMG_3803.JPG

IMG_3799.JPG

IMG_3800.JPG

IMG_3804.JPG

“Brad, paano ’yan napunta diyan? Naglakad mag-isa?” bulalas ko nang mapansing parang iba na naman ang puwesto ng isa sa mga rook niya.

“Kanina pa ’yan nandiyan, duling ka lang,” simpleng sagot niya sabay higop sa fresh buko juice.

Pinaningkitan ko siya ng mata. His name is Lorenzo De Dios. Seventy-four years old. Retired businessman. Widower. May high blood pressure, mild arthritis, at apparently, gustong sulitin ang buhay niya “habang kaya pa ng tuhod ko.” His words, not mine.

He also hated being called Sir Lorenzo. Or Tatang. Or Tands. So in the end, I called him Brad, which seemed to amused him for some reason.

Hindi ko naman talaga planong makipagkaibigan sa isang seventy-four year old. Nagkataon lang. I first met him a few months ago sa isang maliit na karenderya na madalas kong tambayan pagtapos ng raket ko. Punuan no’n, wala nang bakanteng mesa, so nakisalo ako sa table niya dahil mag-isa lang naman siya.

Mali pala.

Five minutes into our first conversation, nilait na niya ’yung order kong kape.

“Ano ‘yan? Asukal na may kape?”

Sabi ko, “Masarap mabuhay, sir.”

Sagot niya, “Kung ganyan ka magkape, baka hindi matagal.”

Doon nagsimula.

After that, somehow, lagi na kaming nagkakasabay. Minsan nagkakape. Minsan kumakain. Hanggang sa isang araw, may dala na siyang chessboard at bigla na lang akong tinanong kung marunong akong maglaro. Sabi ko oo.

Technically, hindi naman ako nagsinungaling. Alam ko kung paano gumalaw ang pieces. Hindi niya naman kasi tinanong kung magaling ba ako. Since then, regular na kaming naglalaro. Or, more accurately, regular niya na akong pinapahiya.

Hindi ko rin alam kung bakit ang bilis kong naging komportable sa kanya. Maybe because he reminded me of my own lolo. Parehong mahilig magkape kahit bawal. Parehong may opinyon sa lahat ng bagay kahit walang nagtatanong. At parehong akala mo may unlimited supply ng buhay kung umasta.

My grandfather had been gone for years. Hindi ko naman madalas iniisip ’yon. Pero minsan, kapag nakikita kong nakakunot ang noo ni Sir Lorenzo habang nakatitig sa chessboard, o kapag pinapagalitan niya ’ko dahil ang lala ko raw maglagay ng chicken oil sa kanin, may kung anong pamilyar. Parang may parte ng utak ko na nakakalimot sandali na hindi ko naman talaga siya lolo.

Which was probably why, when he casually asked me one afternoon kung gusto ko raw ba siyang samahan magbakasyon, ang sagot ko lang—

“Libre mo?”

Kaya ako nandito ngayon. Sa dinami-raming raket na pinasok ko sa buhay, hindi ko talaga inakalang masasama sa résumé ko ang maging travel companion ng isang senior citizen. Hindi ko rin alam kung legitimate job title ba ’yon. Pero libre accommodation. Libre pagkain. At may allowance. Sa’n ka pa?

Ika-sampung araw na naming magkasamang namamasyal gamit ang bagong bili niyang camper van. Mula Luzon, napadpad kami kung saan-saan at ngayon, nandito kami sa isla ng Boracay.

Pangalawang araw pa lang namin dito at kasalukuyan kaming naglalaro ng chess sa ilalim ng isa sa mga cabana, ilang metro lang ang layo mula sa dalampasigan. Katatapos lang naming lumangoy sa dagat—well, technically, ako ang lumangoy. Siya kasi wala pang sampung minuto sa tubig, umahon na dahil malamig daw.

Mind you, tirik na tirik ang araw kanina. ’Yung buhangin halos makaprito na ng itlog. Pero nilamig. Ganyan siguro talaga kapag may edad na, medyo confused na rin ang internal thermostat.

“Weh?” Bumalik ang tingin ko sa chessboard. “Hindi talaga ’yan ang puwesto niyan kanina. Sigurado ako.”

Umikot ang mga mata niya. “Tumira ka na. Dami mo pang reklamo.”

I huffed. “Fine.”

Kinuha ko ang knight at inabante, keeping my eyes firmly on the board. Ilang buwan na kaming naglalaro nito. You would think na after spending that much time watching him move little wooden pieces around, may improvement na ’ko.

Actually, meron naman. Dati, natatalo ako within ten minutes. Ngayon, umaabot na kami ng twenty. Growth is growth.

“Okay. Your move,” sabi ko.

Tahimik niyang pinag-aralan ang board. “Ano pala sabi ni Jiro?” tanong niya. “Nagtanong ba siya ulit kung nasaan tayo?”

Umiling ako. “Hindi.”

“Ganon?”

“Baka ‘di ka na miss,” biro ko at mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Natawa ako. “Sampung araw ka nang nawawala, brad. Nag-move on na siguro.”

Tahimik siyang sumandal sa upuan habang ang mga mata ay nanatiling nakatuon sa board.

“O, ba’t parang nalungkot ka?”

Napangiwi siya. “Hindi ako nalungkot.”

I shrugged. “Okay.”

“Mukhang hindi epektib ang plano ko,” saad niya maya-maya, halatang malalim ang iniisip. “Akala ko mabilis niya tayong matutunton.”

“Sabi mo kasi ‘wag siyang sumunod eh. Ibig sabihin, masunurin ang apo mo,” sambit ko at umismid siya sa’kin, pagkatapos ay bumuntong-hininga.

“Kailan ko kaya mailalayo sa trabaho ang apo kong ‘yon?”

Matagal ko nang naririnig ang mga hinaing niya tungkol sa kaisa-isa niyang apo. Laging nasa meeting. Puro trabaho inaatupag. Allergic sa bakasyon. Hindi nakikipag-date. Honestly, I was beginning to feel like I knew the guy without ever meeting him.

“Kidnapin ko na lang, gusto mo?” suhestiyon ko.

Mabilis niyang hinablot ang sombrero niya at hinampas ako sa binti.

“Aray!”

Napatingin ‘yung foreigner sa tabi namin na kanina pa nakikipaglaban sa tuwalya niya dahil nililipad ng hangin.

“Loko ka talaga.”

Ngumisi ako. “Ano? Effective ’yon. Guaranteed malayo talaga siya sa trabaho.”

Tumayo siya at nagsimulang maglakad palayo. “Diyan ka na nga. Magbabanlaw na ‘ko.”

Mabilis kong iniligpit ang chessboard at sumunod sa kaniya habang humihigop ng fresh buko juice ko. Come to think of it, ang dami ko nang alam tungkol kay Jiro kahit hindi ko pa siya nakikita.

“Pogi ba apo mo, brad?”

Ngumisi siya sa’kin sabay turo sa mukha niya. “Hindi ba obvious? Maganda lahi namin.”

I looked him up and down. “Brad, no offense, seventy-four ka na.”

“So?”

“Mahirap mag-project.”

Akmang hahampasin niya ulit ako ng sombrero pero mabilis akong nakaiwas.

Umiling siya pero nangingiti ngiti rin. “Gwapo nga ‘yon,” maangas na sabi niya sabay tinapunan ako ng mapang-asar na tingin. “Pero feeling ko hindi tulad mo ang tipo niya.”

Nalaglag ang panga ko. “Ay wow, brad, ah? Para namang type ko ‘yung saksakan ng sungit mong apo?”

Natawa siya. “Part kasi ‘yon ng charm niya. Malambing din ‘yon.”

Napangiwi ako. “Sus. Parang hindi naman.” Pabiro ko siyang siniko sa braso. “Picture nga.”

“No.”

“Bakit?”

“Makikita mo rin siya.”

Napataas ang kilay ko. “Oh?”

Narating namin ang pinto ng kwarto niya at humarap siya sa’kin. “Sabihin mo na sa kaniya bukas kung nasaan tayo.”

“Ge,” Tumango-tango ako. “Ibig sabihin uuwi na tayo?”

Binuksan niya ang pinto at pumasok.“Bukas natin malalaman,” ang tanging sagot niya bago ito isinarado.

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad patungo sa sarili kong kuwarto. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa para tingnan kung may text ba si Jiro.

No new messages.

Hmm. Busy na naman siguro si corporate slave at hindi man lang nangamusta.

I stuck the straw between my lips and started typing with one hand.

IMG_3809.jpg

I reached my door and I tapped the keycard. Tinulak ko ang pinto habang tinitingnan kung may reply na ba siya.

Still nothing.

Weird.

Usually, kahit busy siya, mabilis ’yon sumagot kapag kinukulit ko nang sunod-sunod.

IMG_3810.jpg

Wow. After ten days of demanding information, ngayon pa siya nag-decide mawalan ng interes?

Rude.

I flopped onto the bed and held the phone above my face.

IMG_3812.jpg

“Ba ‘yan,” Binaba ko ang celllphone at muling bumangon para maligo. Kanina pang umaga ‘yung huling reply niya sa’kin. Gano’n ba siya ka-busy at hindi man lang kami kinamusta?

IMG_3834.jpeg

IMG_3836.jpeg

IMG_3837.jpeg

◀️ ▶️

Return to Main Page

<aside> 📌

</aside>

:comm1: Share your thoughts below!

https://apption.co/app_posts/c763fafb

0A096812-79BE-4D70-8824-799B4E22D759.jpeg