Jiro
.jpg)
Sa pangatlong pagkakataon, muli kong inangat ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko na parang sawa.
Akala ko, sa wakas, makakalaya na ako, pero wala pang dalawang segundo, bumalik agad iyon sa dati nitong puwesto bago siya muling sumiksik sa akin.
Napapikit ako nang mariin.
May lahi ba siyang koala?
I tried moving an inch to the left.
Sumunod siya.
I moved an inch to the right.
Sumunod ulit siya.
Anak ng. May magnet ba ang bewang ko?
Huminga ako nang malalim at nilingon siya.
Nakapikit pa rin ang mga mata niya, bahagyang nakaawang ang mga labi na para bang mahimbing na mahimbing ang tulog.
Then my eyes landed on his lips.
At biglang nag-replay sa utak ko ang lahat ng nangyari kagabi.
How I basically used his lips as my own personal distraction. How he did not only distract me but also managed to make me question my own sanity. I had never thought making out with someone for hours could be that mind-blowing, but I guessed he had taken my threat seriously.
Hell, he probably treated it like a freaking challenge.
And he definitely delivered.
That mouth of his should be illegal. Seriously.
Because what the fuck was that last night?
Although we didn’t take things any further than kissing and heavy petting, it still left me feeling like I’d just run a marathon while laying down.
All because of one man. One annoyingly attractive, shameless, human-koala of a man who’s currently clinging to me like I was the last available tree in the forest.
Congratulations, Jiro. You played yourself.
Now, how are you going to act around him?
I mean, madali lang naman mag-pretend na parang walang ibig sabihin ‘to kasi wala naman talaga, except there was only one problem.
What if he brought it up?
What if tapunan niya ako ng mapang-asar niyang ngiti and then said something like, “Good morning, Jiroboy. Ready for round two?”
I swear, I’d throw myself into the ocean. Or I’d throw HIM into the ocean, then jump in after him to make sure we both drown.
I glanced at him again.
Mukhang wala talaga siyang balak na pakawalan ako base sa kung gaano siya kahigpit makayakap sa’kin ngayon.
I narrowed my eyes suspiciously.
“Siguraduhin mong hindi ka nagtutulog-tulugan ngayon,” babala ko.
Walang reaksyon.
Pinagmasdan ko siyang mabuti, naghihintay ng kahit anong senyales na narinig niya ako.
“Last warning, Kipp.”
Mmm.
Pupwersahin ko na sana tanggalin ang kamay niya nang mapansin ko ang bahagyang paggalaw sa sulok ng labi niya na parang nagpipigil ng ngiti. And as if he didn’t think I’d notice, he even pretended to snore.
Sabi ko na eh. Nagtutulog-tulugan nga ang hinayupak.
Inangat ko ang isang kamay ko at mariing pinisil ang ilong niya nang ilang segundo.
As expected, bigla siyang napasinghap at dumilat sabay hinahapong napabalikwas ng bangon. “GRABE KA NAMAN, BRODIE! PAPATAYIN MO BA ‘KO?” singhap niya habang nakahawak sa ilong.
Napaikot ako ng mata habang natatawa. “Buti nga sa’yo. Wagas mo makayakap diyan.”
“Sus. Parang ‘yon lang?” depensa niya. “Pagkatapos kitang trabahuhin kagabi?”
Dinampot ko ang unan sa gilid at binato ito sa mukha niya dahilan para humagalpak siya ng tawa.
“Iyong totoo? Dati ka bang clown?”
He winked. “Bakit, sinasabi mo bang funny ako?”
Napailing na lamang ako sabay tumayo at nagsuot ng tsinelas.
“Saan ka pupunta?” tanong niya.
“Edi babalik na sa kwarto ko,” I replied without looking back.
Papalapit ako ng pinto nang mapansin ko siyang bumangon sa kama at parang susunod sa’kin.
Napalingon ako. “Ikaw, saan ka pupunta?”
Huminto siya sa tabi ko. “Sasamahan kita. Baka may makasalubong kang multo eh,” nakabungisngis niyang sagot at nalaglag ang panga ko.
Flustered, I shoved him back down on the bed. “Baliw! Umaga na!”
He laughed. “Hindi ka sure. Malay mo nag-overtime sila.”
I bite the inside of my cheek, trying to suppress my laughter. Bago pa siya ulit makapagsalita, tumalikod ako at dali-daling lumabas ng kwarto.













“So,” panimula ni Kipp sabay lapag ng tasa ng kape sa ibabaw ng mesa at tumingin sa’kin. “Pag-uusapan ba natin ang elepante?”
I paused mid-chew and pretended to look around us.
“May nakikita ka bang hindi ko nakikita?”
Ngumisi siya. “Alam mo kung ano ang tinutukoy ko, brodie.”
I went back to eating, making a deliberate effort to look unbothered kahit na ang totoo, nagwawala na ang puso ko dahil sa tanong niya. “I don’t think kailangan pa natin pag-usapan.”
Tumango siya. “Okay.”
“It’s not like mangyayari ulit ‘yon,” I added.
“Mm.”
“It was a one-time thing.”
Napataas ang kilay niya. “Akala ko ba hindi natin pag-uusapan?”
Napahinto ako sa pagnguya.
“Hindi nga,” depensa ko.
Amused siyang tumingin sa akin. But my pulse did an embarrassing little sprint when his eyes briefly dropped to my lips. He muttered something under his breath before running a hand through his hair and looking away.
Why does he look so fucking good when he does that?
And why the hell did I suddenly want to run my own fingers through his hair?
“Fine,” sabi niya matapos ang ilang segundo. “Kung ayan ang gusto mo, hindi na natin papag-usapan ang tungkol sa nangyari kagabi.”
Good.
Finally.
“Pero nagkakamali ka, brodie.”
Muli siyang tumingin sa’kin at ginawaran ako ng isang makahulugang ngiti. “Naniniwala akong mangyayari ulit ‘yon.”
I swallowed hard. “Paano mo nasabi?”
Instead of answering, he leaned forward, resting his elbows on his knees. His eyes stayed on mine, and for some reason, I suddenly forgot what the hell I was supposed to do with my hands.
“I think you know why.”
Napatitig ako sa mga mata niya. Hindi ko magawang mag-iwas ng tingin. Especially when he’s looking at me like he’s imaginging all the ways he sucked on my lips and kissed me like he had all the time in the world.
Or maybe I was just projecting.
Maybe ako lang talaga ang hindi maka-move on.
Shit.
I cleared my throat and looked away. “Hindi ko alam kung ano’ng tinutukoy mo.”
<aside> 📌
</aside>
https://tofubear17.github.io/comments-wrapper/?id=chapter-13