Kipp

unnamed (1).jpg

dc4645ea-ad68-40ff-94a2-ede7f89ac950.png

104f5eab-b347-4673-b994-0c79c08de08f.png

0217e3d9-5bac-4aa6-ad3b-a40c1a7ce209.png

ce8b804a-dafa-47a7-97bb-d609d8320161.png

Muli akong napahimas sa sintido ko habang nakabuntot kay Jiro at sa isang staff ng resort. Mag-aalas sais na ng gabi nang makarating kami sa napili niyang pansamantalang lugar na tutuluyan namin nang apat na araw dito sa Dumaguete, mahigit tatlong oras ang layo mula sa Cauayan. Nasa tabi lamang ng dagat ang resort at mukhang madalas dayuhin ng mga turista, base sa dami ng mga nadatnan naming nagkakasiyahan sa labas kanina.

“Kung sakaling may kailangan po kayo, bukas po ang reception haggang alas nwebe ng gabi,” pahayag ng babae. “Confirmed na rin po pala ang reservation niyo para sa Apo Island Tour sa Martes.”

Tumango si Jiro. “Marami po ba kaming kasama?”

“Nasa lima pa lang po kayong nakalista,” sagot nito sa kaniya. “Meron din po kasing isang grupo na kararating lang din kaninang umaga.”

“Pasabihan na lang po kami kung anong oras ang call time,” saad ni Jiro. “Ay nga pala, may laundry area po ba kayo rito?”

“Meron po. Paglabas niyo po diyan,” tinuro niya ‘yung direksyon ng pinanggalingan namin kanina. “kanan lang kayo. Sa pinakadulo, may balon at maraming sampayan.”

Napalingon ako sa kaniya.

“Balon?” ulit ko. “Ate, may nagmumulto ba rito?”

Mabilis akong pinandilatan ng mata ni Jiro.

Natawa naman ’yung babae. “Wala naman po, sir.”

“Ay, sayang,” komento ko bago muling bumaling kay Jiro. “Lipat kaya tayo sa iba, brodie?”

Napapikit siya na para bang nagdarasal ng mahabang pasensiya.

Ay, cute.

“Don’t mind him, Ate,” sabi niya.

Pero nakita ko ’yung maliit na ngiti sa gilid ng labi niya na pilit niyang tinatago.

Heh.

Almost two weeks na kaming magkasama, at kung may isang bagay man akong natutunan tungkol kay Jiro, ’yon ay ang katotohanang hindi talaga siya marunong magtago ng ngiti kapag natutuwa siya sa isang bagay.

At ngayong napaliwanag ko na ang sarili ko, malaya na akong makakaporma.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa huminto kami sa tapat ng dalawang magkatabing pinto. Isa-isang binuksan ito ng babae bago inabot sa amin ang mga susi.

“Paki-bunot na lang din po ng mga gamit sa saksakan kapag lalabas kayo ng kwarto,” paalala niya. “At kapag gagamit po kayo ng banyo, may double lock naman po sa magkabilang pinto.”

Nagkatinginan kami ni Jiro.

“Sorry, what do you mean po?” tanong niya. “Hindi ba pareho may sariling banyo?”

“Ay, hindi po,” nahihiyang sagot ng babae. “Shared bathroom po kasi ’yung dalawang kwarto. Magkadugtong po sila.”

Sandali kaming natahimik.

“Ha?” sabay naming tanong.

“May dalawang pinto naman po ’yung banyo, kaya puwede niyo pong i-lock ’yung sa kabila kapag gagamit kayo.”

Napatingin ako ulit kay Jiro at ganoon din siya.

Pagkatapos, halos magkasabay kaming tumakbo papasok sa kaniya-kaniya naming kwarto. Diretso akong nagtungo sa banyo at binuksan ang pinto. Sakto namang bumukas din ang nasa kabilang dulo.

At doon kami muling nagkaharap.

Putangina.

Totoo nga.

May dalawang pinto. Isa sa kwarto ko, at isa sa kaniya.

Ilang segundo kaming nagtitigan bago ko dahan-dahang nilingon ang paligid.

May shower. May toilet bowl. May lababo. May bathtub pa.

Unti-unting lumapad ang ngiti ko.

Mukhang isang napakagandang pagkakataon na naman ang ibinigay sa’kin ng tadhana.

Napansin agad ni Jiro ang ekspresyon sa mukha ko.

“No,” sabi niya.

Napakurap ako. “Ha?”

“Whatever you’re thinking, no.”

I chuckled. “Wala pa nga akong sinasabi.”

“Kilala na kita,” nakangiting saad niya bago muling humarap sa babae para magpasalamat.

“Enjoy your stay po!” sabi nito at saka umalis.

Nanatili akong nakasandal sa hamba ng pinto habang sinusundan ng tingin si Jiro. ’Yung ngiti ko, hindi pa rin mapuknat.

“So…” panimula ko. “Ang ibig sabihin…hindi mo na pala kailangang maglakad sa hallway mamayang madaling-araw para pumunta sa kwarto ko.”

Ginaya niya ang pagkakasandal ko sa kabilang pinto at ngumisi. “You heard, Ate. Walang multo rito.”

I shrugged. “We’ll see.”

“We’ll see,” ulit niya, halatang nang-aasar din.

“Pero iiwan ko pa rin bukas ang pinto ko para sa’yo. Just in case kailangan mo ng special comfort ko,” pahayag ko.

Natawa siya. “Don’t get your hopes up.”

I winked. “Hindi mo ba alam? Puwede nang mangarap.”

Umikot ang mata niya. “Hindi ka talaga nauubusan, ’no?”

Lumapad ang ngiti ko. “For you? Never.”

Tangina, kinikilig ako. Kakagatin ko ‘tong pinto!

“So, saan mo pala gustong mag-date bukas?” hirit ko.

“Don’t push your luck,” paalala niya habang nakangisi. “Kakapatawad ko lang sa’yo kanina baka nakakalimutan mo.”

Napataas ang kilay ko. “Ay, hindi ba agad agad ang bisa non?”

“Ewan ko sa’yo!” bulalas niya at humakbang papalapit sa’kin para itulak ako palabas. “Doon ka na nga. Maliligo na ’ko.”

Hinawakan ko ang magkabilang hamba ng pinto.

“Baka kailangan mo ng tagahilod ng likod mo?”

He smirked. “I can manage.”

“Eh tagabuhos?”

Sumenyas siya sa gilid. “May shower. Hindi mo ba nakikita?”

“Eh tagapahid ng sabon?”

Napahalakhak siya bago muling itinulak ako palabas ng banyo. “No, thanks! Labas na!”

Bago pa ako makapagdagdag, tuluyan na niya akong naitulak palabas ng banyo at sumara ang pinto sa harap ko. Kasunod ang mahinang tunog ng lock.

“Teka, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, brodie!” pahabol ko. “Saan tayo magde-date bukas?”

“Maglalaba ako!” sigaw niya.

Ah. Okay.

Tumango ako. “O, sige. Pagtapos na lang!”

Imbes na sumagot, narinig ko ang malakas na kalabog ng tabo sa loob.

8d18e929-1aae-4fc9-ba77-4c3ebed649a0.png

jirodedios-quote-tweet.png

unnamed.webp

Taylor Swift - Stay Stay Stay (Taylor's Version) (Lyric Video).mp3

Kahit kailan, hindi ko naisip na puwede palang maging date activity ang paglalaba.

Us. Washing our clothes. Together.

Kahit sinong Certified Love Guru siguro hindi maiisip ‘yan.

Pero heto kami ngayon. Magkatabi sa ilalim ng araw, nagsasampay ng mga damit na para bang isang dekada na kaming nagsasama at mhie at dhie na ang tawagan namin sa isa’t isa.

Nasa likod bahay nakapwesto ang laundry area, malayo sa mga tao. Pero mula rito, naririnig ko pa rin ang mahinang hampas ng mga alon mula sa dalampasigan, kasabay ng kaluskos ng mga dahon sa puno.

Sa totoo lang, ang sarap pala ng ganito. Walang hinahabol na oras. Walang kailangang puntahan agad. Walang ibang iniisip kundi kung saan pa puwedeng mamasyal. At si Jiro, na ilang araw ko nang nakikitang halos hindi hinahawakan ang laptop niya, mukhang unti-unti na ring nasasanay.

Napangiti ako habang lihim siyang pinagmamasdan. Kasalukuyang siyang nag-aayos ng isang basang T-shirt sa hanger. Seryoso pa rin ang mukha niya, kunot ang noo habang sinisiguradong pantay ang pagkakasabit ng damit. Kahit na halata namang lumaki siya sa yaman, nakakabilib pa rin na wala siyang kaartehan sa katawan at marunong maglaba ng sarili niyang damit. Although medyo sablay siya magpiga, the thing is, kaya niya.

“Ano?” tanong niya nang mapansing nakatitig ako.

“Wala,” sagot ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. “Bakit ka nakangiti diyan?”

“Wala lang.”

“Weh.”

Natawa ako. “Natutuwa lang ako, brodie. We look so domesticated.”

◀️ ▶️

Return to Main Page

<aside> 📌

</aside>

:comm1: Share your thoughts below!

https://tofubear17.github.io/comments-wrapper/?id=chapter-14