Kipp
1 hour ago
“Brad, tabingi naman kuha mo eh. Hindi na ’ko nakita sa camera,” reklamo ko habang pinapanood ang video niya sa’kin.
Mas magaling pa ata ’yung dalawang taong gulang kong pamangkin. At least siya, marunong sumunod sa subject.
Katatapos lang namin mananghalian at dahil tirik na tirik ang araw, nagpasya na lang muna kami bumalik sa hotel para magpalipas ng oras nang may madaanan kaming magandang spot para mag-Tiktok.
“Paano ’di ka mawawala sa camera? Ang likot-likot mo. Puro ka kampay ng kamay,” depensa naman niya sabay kagat sa sugarless niyang turon.
“Eh, syempre, gano’n ’yung vibe ng kanta, Brad,” dahilan ko. “Dapat cool. Dapat may swag. Hindi mo ba kilala si G-Dragon?”
Kumunot ang noo niya. “Sino ‘yon?”
I sighed. “Basta.” Inabot ko muli sa kaniya ang cellphone ko. “Isa pa. Last na.”
“Mga kabataan talaga ngayon, lahat na lang kailangang i-video,” kumento niya, pero kinuha rin naman ang cellphone ko.
“Brad, hindi mo naiintindihan. Pang-rizz ko ’to.”
“Ano ’yung rizz?”
“Secret.”
Naglakad ako pabalik sa dati kong pwesto at sumandal sa pader. Inayos ko ang buhok ko, hinila pababa ang damit ko, tapos nag-ready sa pose.
“Ready?”
“Ready.”
“Three, two, one—”
Pag-start ng kanta, agad akong gumalaw. This time, sineryoso ko na talaga. Sa peripheral vision ko, napansin kong nakasunod sa’kin si Brad.
Pagdating sa final beat, lumakad ako palayo sa camera at eksayted na lumapit sa kaniya. “Ano? Okay?”
Tumango siya sabay inabot pabalik ang cellphone ko. “Oo. Parang G-Wagon.”
Napahagikhik ako ng tawa. “Laroshi! Sasakyan ‘yon eh.” Pinanood ko ang video at tumango-tango. “Ayos. Pwede ka na maging cinematographer, Brad.”
“Sus. Bigyan mo ‘ko credits diyan. I-tag mo ‘ko,” sabi niya sabay tumalikod at nagpatuloy maglakad papunta sa direksyon ng hotel habang nanguya ng turon.
“Wala ka naman Tiktok, paano mo makikita?”
“Baka si Jiro meron. Tanungin mo siya.”
Napakamot ako sa ulo. “Hindi nga nagre-reply eh.”
Binuksan ko ang editing app ko at nagsimulang ayusin ang kuha niya sa’kin.
Sa wakas, may matinong content na rin.
Habang nag-e-edit ako, si Brad naman, tuloy-tuloy sa pagkukuwento tungkol sa interior, sa pagkain, sa swimming pool, sa breakfast buffet, at kung paano raw siguradong magugustuhan ni Jiro ang lugar kung matututo lang itong magbakasyon.
I half-listened mostly because busy ako sa pag-aayos ng caption sa post ko.
bad boy energy
Ang cringe.
Delete.
just a little swag 🤘🏼
Ang baduy.
Delete.
Napabuntong-hininga ako. Ang hirap pala maging content creator.
never forget your roots.
“Ayos.” I clicked post and wait for the video to load up.
“Sheesh!” I grinned as rewatched it again.
“O, sa’n ka pupunta?” tanong niya sa’kin nang sumunod ako papasok sa kwarto niya.
Hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso sa sofa niya at doon humilata. “Dito muna ako tatambay,” sabi ko.
“Bakit dito? May sarili kang kuwarto.”
“May sofa dito.”
“May sofa rin sa kuwarto mo.”
“Mas malaki ‘tong sayo,” depensa ko.
Napabuntong-hininga siya at kung ano-ano pang binulong sa sarili habang naglalakad papunta sa kama.
Sinundan ko siya ng tingin.
Binuksan niya ang TV, kinuha ang remote, at saka nahiga sa kama.
Muli kong pinaling ang atensyon sa cellphone ko at nag-scroll sa Tiktok.
“May nakalimutan ka, Brad.”
Noon una, nagbingi-bingihan siya pero maya-maya pa ay napabuntong-hininga. Muli siyang bumangon at labag sa loob na kinuha ang medicine box niya sa gilid. “Pareho lang kayo ni Jiro. Makulit.”
Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na siya pinansin at naglaro na lamang sa cellphone. Nasa kalagitnaan ako ng bakbakan nang bigla akong may marinig na katok mula sa pinto.
“Nagrequest ka ba room service, Brad?”
“Hindi,” sagot niya habang nanatiling nakahilata sa kama.
“Baka ‘yan na ‘yung pina-laundry mo?”
“Mamayang gabi pa raw ihahatid,” saad niya sabay tumawa sa pinapanood.
Eh sino ‘yon?
Kunot noo akong tumayo at naglakad papunta sa pinto.
Hays. Kung kailan ranking ako eh. Sino ba ‘tong istorbo na—HOLY SHIT.
Literal na napa-preno ang utak ko.
Sa totoo lang, hindi naman ako magugulatin na tao.
Kahit ilang tasa pa ng kape ang laklakin ko buong araw, hindi talaga ako basta-basta nagugulat.
Pero sa sandaling iyon, daig ko pa ang nakakita ng multo. Pakiramdam ko, literal na humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang makita ko kung sino ang nasa labas ng pinto.
You see, I’ve had my fair share of meaningless hookups. Marami-rami rin. Hindi ko na nga mabilang kung ilan. May iba na nakalimutan ko na agad ang pangalan bago pa man kami makalabas ng hotel. May iba namang hindi ko na maalala kung saang bar ko nakilala.
Pero may isang mukha na hinding-hindi ko talaga nakalimutan hanggang ngayon. ‘Yung mukhang tumatak talaga sa’kin kahit sandaling oras lang kaming nagkasama. Hindi nawala sa memorya ko ang itsura niya.
Lalong-lano na’t may malaking atraso ako sa kaniya.
Hindi ko nakuha ang pangalan niya noon, pero sinubukan ko siyang hanapin. Naghanap ako online. Nagpabalik-balik sa bar kung saan kami unang nagkita dahil nagbabakasakaling makita ko ulit siya. Nag-stalk. Nag-scroll. Nag-overthink. Pero wala. Sadyang mailap lang siguro ang pagkakataon. O baka ayaw lang talaga akong bigyan ng universe ng closure.
Pero sinong mag-aakala na dito pala kami magkikitang muli?
Pero baka kamukha niya lang?
Baka namamalikmata lang ako?
Baka—
Sinarado ko ang pinto.
Nagbilang ako ng tatlong segundo.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Pagkatapos, muli ko itong binuksan.
Tangina.
Siya talaga.
At kung kanina ay namimilog ang mga mata niya dahil sa gulat, ngayon, nanlilisik na.
Okay.
Confirmed.
Hindi ako namamalikmata.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya sa’kin sa tonong may pang-aakusa.
Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. Nakatiklop ang mga braso niya, magkasalubong ang dalawang kilay at mukhang gusto niya akong sapakin.
Napaisip ako nang mabilis.
Dalawa lang ang option ko. Either aminin kong kilala ko siya at harapin ang lahat ng galit niya…
o magmamaang-maangan ako na parang hindi kami naglampungan isang taon na ang nakalipas. Obviously, mas maganda ang second option. Mas healthy. Mas peaceful. Mas mataas ang survival rate.
“Kipp?” narinig kong tawag ni Brad mula sa loob. “Ayan na ba ’yung pina-laundry ko?”
Umawang ang bibig niya at akmang magsasalita kaya mabilis kong binigkas ang unang pumasok sa isip ko na agad ko ring pinagsisihan.
“Dala mo na po ba ’yung pina-laundry?”
Nalaglag ang panga niya, halatang ‘di makapaniwala. “Ano’ng sinabi mo?”
“Iyong pina-laundry daw,” sabi ko seryosong tono.
Pero nang makita ko na parang puputok na talaga siya, bigla akong napakabig. “Just kidding.”
I immediately put on my best charming smile that works on almost everyone. Pagkatapos, sinuksok ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng shorts ko sabay sumandal sa gilid ng pinto.
“You remember me, right? Kumusta ka na?” sabi ko sabay pinasadahan ng tingin ang suot niyang damit. Hindi mukhang uniform pero baka nasa higher rank na siya. “Dito ka ba nagtatrabaho?”
Napakurap siya sa’kin.
Mas lalong lumapad ang ngiti ko.
Mmm mukhang na-stunned ko siya.
<aside> 📌
</aside>
https://apption.co/app_posts/f46c33d4
