Jiro

May tatlong bagay akong labis na kinaiinisan. Mga taong ginagawang adventure ang buhay na parang walang bukas, mga taong nagre-reply ng “HAHA” sa seryosong chat, at ’yung gagong nang-iwan sa’kin sa hotel noon.

I guess God really does have a good sense of humor kasi nasa iisang tao lang pala ang tatlong ’yon.

At nasa harap ko pa ngayon.

Same chiseled face. Same thick lips. Same pair of eyes na minsan nang nakapagpahinto sa utak ko.

Kaya pala pamilyar. Kaya pala nakakairita. At kaya pala gusto kong manakal.

At ang mas nakakagago?

Siya pala ’yung kasama ni Lolo all this time. Sa loob ng halos dalawang linggo, siya pala ’yung ka-text ko. Siya pala ‘yung tawag nang tawag sa’kin ng brodie. Siya pala ‘yung halos ipagdamutan sa’kin kung nasaan sila.

And apparently, siya rin pala ’yung gagong nakilala ko noon sa—

Huminga ako nang malalim.

Okay.

Let’s not finish that thought, Jiro.

Seeing his reaction earlier tells me he doesn’t know who I am either. At least may isang bagay na malinaw.

Pero hindi ibig sabihin no’n na nabawasan ang inis ko.

Sa dinami-rami ng tao sa Pilipinas, sa mahigit isang daang milyong posibilidad ng taong puwedeng maging kasama ni Lolo sa bakasyon, siya pa talaga? What are the odds? Apparently, 100 percent.

But I could still remember how humiliated I was when I walked out of that hotel room a year ago. At first, I genuinely thought I was robbed. Na baka modus. Baka habang nasa banyo ako, ninakawan na pala ako. Pero pag-check ko ng gamit ko, kumpleto naman. Walang nawala.

Except the guy.

He just freakin’ disappeared.

No goodbye.

No explanation.

Nothing.

What an asshole.

“Jiro, apo, nakikinig ka ba?”

“Hmm?”

Napalingon ako kay Lolo.

Abala siyang nagsusuklay ng buhok habang nagki-kwento tungkol sa mga napuntahan nilang lugar. Hindi ko alam kung pang-ilang destination na ang binanggit niya dahil kalahati ng utak ko ay nakikinig sa kaniya at ang kalahati naman ay abala sa pag-iisip kung gaano karaming taon ang makukuha ko sa kulungan kapag sinakal ko ang lalaking nasa kabilang side ng kuwarto ngayon.

“Ang sabi ko, gusto kong sumama ka sa—”

“No.” I stood and crossed my arms. “We’re going home.”

“Ano’ng uuwi?”

“May ticket na tayo pabalik sa Manila. Let’s just pack your stuff and—“

He waved his hand dismissively. “Ah, hindi. Marami pa akong gagawin dito. May activity pa nga kami ni Kipp mamaya. ‘Di ba, Kipp? Ano nga ulit ‘yon?”

Awtomatik ang pagpaling ng paningin ko pabalik kay Kipp na kasalukuyang pinagmamasdan ang kurtina ng bintana na para bang iyon ang pinaka-interesting na bagay na nakita niya sa buong buhay niya.

Narinig niya ang pangalan niya kaya dahan-dahan siyang lumingon.

Nagtagpo ang mga mata namin.

Pinandilatan ko siya. Subukan mo lang. Isang tango lang at sasama ka sa airport nang naka-wheelchair!

Napakamot siya sa batok, halatang naiilang. Pero imbes na tumanggi, tumango siya kay Lolo. “3 p.m., Brad. Parasailing.”

Napakurap ako.

Hindi ko alam kung saan ako mas nawindang. Sa fact na “brad” ang tawag niya kay Lolo na para bang magkasing-edad lang sila, o sa fact na may naka-schedule silang parasailing ngayon.

“Parasailing?” I repeated it slowly, hoping the word would sound less stupid the second time.

It didn’t.

“Ay, malapit na pala!” excited na sabi ni Lolo. “Tara na at bumaba. Sa lobby na tayo maghintay.”

Nagsimula na siyang maglakad papunta sa pinto.

Napataas ako ng kamay. “Teka. Ikaw? Magpaparasailing? Are you serious?”

Tumawa lang si Lolo. “Bakit? Kaya ko pa naman.”

“Lo, seventy-four ka na.”

“Exactly. Seventy-four. Hindi one hundred seventy-four.”

I scowled. “That is not the point.”

Tumalikod siya. “Ah, basta. Kung ayaw mo sumama, magkita na lang tayo mamaya. Tara na, Kipp.”

Kipp didn’t even hesitate and ran after my grandfather like his life depends on it.

This jerk!

I hurried after them. “Wait! I’ll go with you.”

Napalingon sa’kin si Lolo. “Talaga?”

I huffed. “Magpapalit lang ako ng damit.”

Bigla siyang ngumiti na para bang nanalo siya sa lotto. “Okay. Sa lobby lang kami.”

Pinagmasdan ko silang maglakad papalayo, magkadikit ang mga ulo at tila may pinagbubulungan na kung anong sikreto.

I narrowed my eyes.

Just what the hell were these two up to?

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang sekretarya ko.

“Good afternoon, sir,” sagot ni Gail sa kabilang linya.

I turned around and started walking back to my room.

“I won’t be able to join the conference call later. Make sure to note everything.”

“Copy po.”

“And, Gail?”

“Yes, sir?”

“Paki-cancel na rin ng return flight namin.”

“Kailan na po ang balik niyo, sir?”

Napahinto ako sandali sa harap ng pinto ng kuwarto ko.

Good question.

Hindi ko alam kung gaano katagal balak manatili ni Lolo rito. One thing was certain, though. Hindi ako aalis nang wala siya.

“I’ll let you know,” sagot ko bago nagpaalam at pinatay ang tawag.

Matapos kong magpalit ng damit, agad akong bumaba sa lobby at naabutan silang kausap ang operator tungkol sa activity na gagawin nila.

During the short drive, I tried to come up with ways to talk Lolo out of it. Wala akong nahanap. Not one.

Because apparently, at seventy-four, Lolo thought that being strapped to a parachute and dragged behind a boat was a perfectly reasonable way to spend an afternoon. And, judging from the way he had been smiling at the operator, he was actually excited about it.

Great.

Just great.

Nang marating namin ang lugar, bumaba kami at nagsimulang maglakad papunta sa bangkang sasakyan namin. Nasa unahan si Lolo at ang operator, parehong busy sa pag-uusap tungkol sa instructions. I was already mentally preparing another attempt to convince my grandfather to reconsider when Kipp quietly fell into step beside me.

“Sorry nga pala kanina,” bulong niya. “I swear, hindi ko alam na lolo mo pala siya.”

I ignored him, and kept walking.

“At pati na rin sa ginawa ko dati,” dagdag niya, sabay hawak sa batok. Halatang nahihiya. “Pero may rason naman ako kung bakit—”

“Look.” I cut him off without looking at him. “Let’s just forget about it. Hindi naman mahalaga sa’kin ’yon.”

Nasaan na ba ang bangka? Napaka layo naman!

Natahimik siya nang ilang segundo. ****

“Talaga?”

“Yes.”

“Sure?”

I clenched my jaw. “Yes, Kipp.”

“Like, sure na sure?”

Huminga ako ng malalim. “Oo nga.”

“Walang sama ng loob?”

“Wala,” I gritted out.

“Wala kang balak na gantihan ako?” tanong niya, sabay senyas sa tubig. “Hindi mo ‘ko itutulak mamaya sa dagat?”

Huminto ako sa paglalakad at ganoon din siya.

I slowly turned my head and stared at him through my sunglasses, trying not to get distracted by his shirtless body. ”Kumbinsihin mo ang lolo ko na ‘wag gawin ‘to, then we’re even.”

He frowned. “Huh? Bakit naman?”

“Because it’s dangerous. What else?”

“Ngi. Ano ka ba naman, brodie,” apela niya. “Pagbigyan mo na si Brad.”

I rolled my eyes and continued walking.

◀️ ▶️

Return to Main Page

<aside> 📌

</aside>

:comm1: Share your thoughts below!

https://apption.co/app_posts/81d38898

0A096812-79BE-4D70-8824-799B4E22D759.jpeg